Selfie Expert OPPO F1s Inilunsad sa PH, Pinakyaw sa Loob ng Tatlong Araw

7

Ang pagkahumaling sa selfie ay namamayapagpag matapos ang pinakabagong teleponong de kamera ng OPPO ay maibenta lahat sa mga tindahang konsepto at merkader sa buong bansa.
Tinaguriang ‘selfie expert’, ang F1s ay inilunsad sa mga tindahan sa Pilipinas noong Agosto 19. Nitong Agosto 21, higit sa 19,000 yunit ang naibenta sa buong bansa.
Isang road show rin ang ginanap kasabay nito sa Kalakhang Maynila, Davao, at Cebu upang markahan ang unang araw ng nasabing smartphone sa mga tindahan.

“Ni hindi namin inaasahan na ang mga mamimili ay magiging ganito kasigasig tungkol sa F1s. Nakakagugulat na malamang ang aming mga unang yunit ay nabili na sa loob ng tatlong araw, “sinabi ni OPPO Marketing Brand Manager Stephen Cheng. “Kami ay nagaganyak na makapaghatid ng higit pang mga yunit F1s sa mga tindahan, lalo na dahil gusto naming mas maraming mga tao na magkaroon ng ganap na selfie experience.”

Kamangha-manghang mga Selfie Anumang Oras, Kahit Saan

Ang pinakabagong karagdagan sa seryeng ito ng OPPO F1 ay nakakukuha ng makulay na selfie sa anumang oras ng araw; salamat sa kanyang 16-megapixel kamerang pangharapan na may 1 / 3.1-pulgadang sensor at isang malaking f / 2.0 siwang. Ang pinakabagong pagpapabuti ng kanyang pampapagandang apparato, ang Pagandahin o Beautify 4.0, ay mayroon ding isang Auto Mode Screen Flash at walong mga filter para sa mga kamangha-manghang selfie, sa mga paraang tiyak na ninanaais ng mga gumagamit.

F1s  selfie Expert Logo

Ang panorama tampok ng telepono din ginagawang mas maginhawa na kumuha ng ‘groufies’ habang ang palm-activate shutter ay nagbibigay-daan para sa mas madadali at mas mabibilis na selfie.

Ang F1s ay nilagakan din ng kasing husay na 13-megapixel kamerang panlikuran na may sariling mga plug-in gaya ng na-upgrade ng Expert Mode, Ultra-HD, GIF at double exposure.

Napakahusay, Mabilis, Maganda

Katulad ng kanyang hinalinhan, ang F1 plus, ang F1s gumagamit fingerprint recognition na maaaring magbukas sa telepono sa 0.22 segundo. Ang fingerprint-activate app launch ng telepono nagtatalaga ng fingerprint sa hanggang sa limang mga apps o mga contact para sa mabilis na access sa pamamagitan ng home button.

4 (2).jpgIsang octa-core processor na sinamahan pa ng isang 3GB RAM, 32 GB ROM, at ang ColorOS 3.0, ang nagdadagdag kapangyarihan sa hardware ng telepono. Salamat sa pinaiging kapangyarihan ng ColorOS, na tinambalan pa ng isang bateryang may 3075mAh, ang mga user ay makaaaasa ng pang-isang araw na gamitan.

Ang manipis na metal na katawan ng F1s ay may isang 5.5-inch 2.5D Corning Gorilla Glass 4 screen upang lumikha ng isang natatanging karanasan sa paglalaro at panonood ng pelikula para sa mga gumagamit.

Mabibili na nang Walang Interes

Ang financial service provider na Home Credit ay nag-aalok din ang F1s sa zero percent na interes sa loob ng anim na buwan. Ang nasabing promosyon ay nagsimula na sa unang araw ngg F1s sa mga tindahan.

Ang F1s ay may SRP na PhP12, 990.

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang global.oppo.com. # OPPOF1s #SelfieExpert

#

Advertisements